Inanunsiyo ng singer na si LeAnn Rime ang pagpapaliban ng kaniyang mga concerts.
Ito ay dahil sa nakaranas ng pamamaga sa kaniyang vocal cord.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng sulat kamay niya dahil hindi aniya ito makapagsalita.
Bukod aniya sa trangkaso ay nadiskubre umano ng kaniyang doctor na mayroong tila pamamaga sa kaniyang vocal cord na nagdudulot ng pag-ubo hanggang ito ay tuluyang nagkasakit.
Labis itong nalulungkot dahil sa hindi pagtuloy ng kaniyang mga show kaya humingi ito ng paumanhin sa mga fans.
Magsisimula ang “Joy: the Holiday Tour sa darating na Disyembre 2 sa Nashville, Tennessee at dahil sa na-postpone ito ay inilipat na lamang sa Abril 8, 2023.
Isa sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “How Do I Live” at maraming iba pa.