-- Advertisements --

Kinuha ng luxury brand na Louis Vuitton ang American singer na si Pharrell Williams bilang kanilang men’s creative director.

Kinumpirma ito ng French luxury fashion house kung saan papalitan nito si Virgil Abloh.

Naging epektibo agad ang kaniyang appointment at ilalabas ang kaniyang collection sa Men’s Fashion Week sa Paris sa buwan ng Hunyo.

Ikinatuwa naman ni Pietro Beccari, chairman at CEO ng LV sa pagkakakuha sa nasabing singer ng kanilang kumpanya.

Magugunitang pumanaw ang 41-anyos na si Abloh noong Nobyembre 2021 dahil sa cancer.