-- Advertisements --

Inamin ng American singer-songwriter na si Pink na nagpositibo siya at ang kanyang tatlong taong gulang na anak sa coronavirus.

Pero ipinagmalaki ni Pink na negatibo na raw sila sa deafly infection ilang araw na ang nakalilipas.

Ayon kay Pink, nagsimula raw silang magpakita ng sintomas ng COVID-19 dalawang linggo na ang nakakaraan matapos nilang magpasuri sa kanilang primary care physician.

“My family was already sheltering at home and continued to do so for the last two weeks following the instruction of our doctor. Just a few days ago, we were retested and are now thankfully negative,” wika ng mang-aawit.

Kasabay nito, binanatan din ni Pink ang umano’y kapalpakan ng kanilang gobyerno dahil sa hindi pagiging accessible ng pagpapa-test para sa COVID-19.

Magdo-donate naman ito ng tig-$500,000 sa Temple University Hospital Emergency Fund sa Philadelphia, at sa Emergency COVID-19 Crisis Fund ng City of Los Angeles.

“THANK YOU to all of our healthcare professionals and everyone in the world who are working so hard to protect our loved ones. You are our heroes! These next two weeks are crucial: please stay home. Please. Stay. Home,” ani Pink.

https://www.instagram.com/p/B-il39tJ57d/