-- Advertisements --
image 165

Pumanaw na ang american singer- songwriter na si Lisa Marie Presley na anak ng sikat na aktor at singer na si Elvis Presly dahil umano sa nangyaring cardiac arrest sa kanilang tahanan sa Calabasas California.

Ang 54-yrs old na si Lisa Presley ay sumunod sa yapak ng kanyang ama at nagpatuloy sa karera ng musika. Siya rin ay Naglabas ng tatlong album kasama ang kanyang 2003 debut studio na pumalo at nakapagbenta ng libo-libong copies at nakatanggap rin ng iba’t ibang awards

Nakilala rin ang star singer- sa serye ng mga high profile sa kasal ng pop legend na si Michael jackson at marami pang iba.

Si Presley ay huling nakita sa publiko sa ginanap na golden globes awards sa Beverly hills.

Pakikiramay naman ang natanggap ng pamilya Presley, dahil sa hindi inaasahan na pangyayari.