-- Advertisements --
image 380

llalabas pa ng American singer- song writer na si Taylor Swift ang kanyang apat na kanta sa kanyang Eras tour debut 2023

Ang mga kantang ito ay: “Eyes Open, “Safe & Sound kasama sina Joy William at John Boy Music, kasama rin ‘yan ang “If This Was a Movie (Taylor’s Version)” at “All of the Girls You Loved.

Tatlo sa apat na kanta na ini-release ni Swift ay tila mga re-recording, dahil kasama sa mga ito ang tag na “(Taylor’s Version)” sa mga titles.

Matatandaan noong 2019, ibinenta ng dating label ni Swift na Big Machine, ang mga master recording ng kanyang music catalog, na nag-udyok sa mang-aawit na mag-record ng mga bagong version ng kanyang mga nakaraang album.

Noong 2021, inilabas ni Swift ang “Fearless (Taylor’s Version)” at “Red (Taylor’s Version).”

Ang track na “If This Was a Movie” naman ay original na kasama sa isang deluxe edition ng 2010 album ni Swift na “Speak Now.”

Habang ang “Eyes Open” ay isang track ng “The Hunger Games: Songs sa District 12 and Beyond soundtrack, isang album para sa 2012 na pelikulang “The Hunger Games.

Samantala ang “All of the Girls You Loved Before naman ay isang unreleased track na naitala noong panahon ng “Lovers” ni Taylor Swift noong 2019.

Hindi man kinumpirma ng pop star kung aling rerecorded album ang plano niyang ilabas sa susunod pero inaabangan naman ng kanyang mga fans ang pinakahihintay na Eras Tour na nakatakdang magsimula sa Glendale, Arizona sa March 18 ngayong taon na minarkahan sa loob ng limang taon.