-- Advertisements --

Pumanaw na ang American sprinter at long jumper na si Tori Bowie sa edad 32.

Kinumpirma ito ng kaniyang agent na si Kimberly Holland na binawian ng buhay sa kaniyang bahay sa Florida.

Hindi naman binanggit nito ng sanhi ng kamatayan ni Bowie.

Si Bowie ay three-time Olympic medalist at two-time world champion sa track and field.

Nagwagi ng tatlong medalya si Bowie sa 2016 Olympic Games sa Rio na kinabibilangan ng gold sa 4x100m relay, silver sa 100 meters at bronze naman sa 200 meters.

Noong 2017 world championships ay nagwagi ito ng gold sa 100 meters at 4x100m.

Isinilang sa Sandhill, Mississippi ay naging three-time All-American sa University of Southern Mississippi.

Huling sinalihan nitong kumpetisyon ay noong Hunyo 2022 at ang huling pagsabak sa world state ay noong 2019 sa World championship sa Doha, Qatar kung saan nagtapos ito sa pang-apat na puwesto.

Bumuhos naman ng pakikiramay at pagdarasal mula sa iba’t-ibang atleta ng mabalitaan ang pagpanaw ni Bowie.