-- Advertisements --

Pasok na sa ikaapat na pagkakataon sa Paris Olympics si US swimming star Katie Ledecky.

Ito ay matapos ang matagumpay na 400 meters freestyle na ginanap sa US Swimming Olympic Team Trials.

Nagtapos ang seven-time Olympic gold medalists sa 3:58:35 sa Lucas Oil Stadium sa Indianapolis.

Sinabi nito na hindi siya makapaniwala na makakapasok ito sa ikaapat na Olympic Games.

Unang nakuha nito ang kaniyang Olympic gold medal noong 2012 London Games sa edad na 15 at mula noon ay nagkamit ng 10 medalya.