-- Advertisements --

Kinumpirma ng White House na pinakawalan na ng Russia ang American teacher na kanilang ikinulong na si Marc Fogel.

Ayon kay national security adviser Mike Waltz na nagkaroon ng ugnayan si Steve Witkoff ang isa sa advisor ni Trump sa mga opisyal ng Russia para sa pagpapalya kay Fogel.

Si Fogel ay inaresto noong Agosto 2021 sa paliparan sa Moscow matapos mahulian umano ng cannabis.

Depensa ng kampo nito na inireseta ng kaniyang doctor ang cannabis bilang gamot sa kaniyang pananakit sa spine.

Halos 10 taon itong nagtuturo sa Anglo-American School sa Moscow si Fogel kung saan ang mga estudyante nito ay mga anak ng mga US diplomats.

Sa ngayon ay pauwi na ito at sinundo siya ng mataas na opisyal ng White House.