-- Advertisements --

Nanguna pa rin ang mga dayuhan mula sa Amerika na minabuting sa Pilipinas magpalipas ng bakasyon sa panahon ng Christmas.

Sa report ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, sinabi nito na inaasahan na umano nila ang highest number of arrivals na mga foreign nationals na Americans.

Ang mga bumisita kasi sa Pilipinas nitong holiday ay umabot sa mahigit 141,000.

Ayon sa Immigration ang mga Americans ay bumuhos sa bansa na umabot sa 12,455, sinusundan sila ng mga Canadians na nasa 2,805 at ang mga Japanese na kabuuang 1,645.

Sa ulat naman ni BI port operations chief Carlos Capulong ang mga dumating sa bansa noong December 24 at Dec. 25 ay nadoble pa ang bilang kumpara noong nakaraang taon.

Batay pa sa record ng BI nasa 5,478 mga Pinoy ang temporaryong umuwi ng Pilipinas pero ngayong taon ay lomobo pa sa 11,074.

Umaasa naman ang gobyerno na sa mga susunod na taon ay mas marami pa ang dadayo ng Pilipinas lalo na at pinag-iibayo din naman ang vaccination program.