-- Advertisements --
Muling nagpasiklab ang pambato ng Pilipinas na si Marcelito Pomoy para sa semi-finals ng America’s Got Talent.
Napabilib ng Pinoy singer ang mga audience at judges ng nasabing patimpalak matapos nitong kantahin ang “Con Te Partirò” o “Time to Say Goodbye” ni Andrea Bocelli.
Binigyan ng standing ovation ang kamangha-manghang performance ni Pomoy kung saan halos lahat ay inilawan ang kani-kanilang mga cellphone at sumabay sa madamdaming saliw ng tugtugin.
Kumpyansa naman ang isa sa mga judges ng americas got taalent na si Howi Mandel na malaki ang tsansang masungkit ni Pomoy ang tagumpay sa patimpalak.