Inaasahang tuluyang makakaalis na nitong weekend ang huling tropa ng Amerika sa kanilang military base sa Afghanistan.
Ang withdrawal ng mga sundalo ay hudyat din ng pagkawala ng American presence sa malawak na Bagram air base na siyang naging sentro ng military power sa nakalipas na halos dalawang dekada.
Kung maalala nagsimulang magkampo ang mga sundalong Kano sa Afghanistan matapos noon ang 9/11 terror attacks sa Estados Unidos.
Ang presensiya ng US military troops ay itinuring na “America’s longest war.”
Gayunman sinasabi ng ilang observers ang full withdrawal ng US troops sa Afghanistan ay hindi pa naman kompleto kung tutusin.
Una rito, ang withdrawal ng mga tropa sa Bagram air base ay naging simple lamang ang programa.
Pero para sa Taliban group para sa kanila ito naman daw ay “symbolic victory” nila.
Kung maalala bago dumating ang American troops noong December 2001 ay kontrolado ng Taliban ang halos buong Afghanistan at sila ay napalayas sa pagsaklolo ng Amerika.
Nitong araw si US Defense Secretary Lloyd Austin ay kinausap si Afghan minister of defense Bismillah Khan Mohammadi, upang bigyang diin sa kanilang na malaki na ang ginawang puhunan ng Amerika alang-alang sa seguridad at stability ng Afghanistan.