-- Advertisements --

Layunin ng Group of Seven western democracies na hikayatin ang kanilang mga bagong ka-alyado na harapin ang anumang hamon ng China at Russia, nang hindi binababa ang dignidad ng Beijing at magsusulong sa mas maayos na samahan sa Kremlin.

Bago pa man ang kauna-unahang in-person G7 foreign ministers meeting noong 2019, nais na ni U.S. Secretary of State Antony Blinken na ipahayag ang mensahe ng multilateralism makaraan ang apat na taong Twitter-diplomacy sa ilalim ng pamumuno ni Donald Trump na gumulat sa Western allies.

Itinatag noong 1975 bilang forum para sa mayayamang bansa sa Kanluran upang talakayin ang mga krisis tulad ng OPEC oil embargo, ngayong linggo naman ay pag-uusapan ng G7 ang Russia at China, climate change, gayundin ang COVID-19 pandemic.

Sa pagharap sa media nina Blinken at British Foreign Secretary Dominic Raab, sinabi ng dalawa na hindi nila layunin na labanan ang China o pababain ang dignidad ng Beijing.

Aniya dedepensahan ng Kanluran ang international rules based order mula sa submersive attempts mula sa anumang bansa.

“I do see the increasing demand and need for agile clusters of like-minded countries that share the same values and want to protect the multilateral system,” wika pa ni Raab. “We can see a shift towards that pattern of clusters of like-minded countries agile enough to work together.”