-- Advertisements --

Pinaplantsa na ng administrasyon ni President Donald Trump ang mga parusa na posibleng kaharapin ng China dahil sa naging malaking epekto ng coronavirus pandemic sa buong mundo.

Isa na rito ang ginagawang paninisi ni Trump sa Beijing na di-umano’y sinusubukang guluhin ang kaniyang election strategy para pagtakbo nito sa 2020 US Presidential elections.

Ayon sa administrasyon, maaaring patawan ang China ng panibagong sanction, hindi rin umano magbabayad ang Estados Unidos ng utang sa naturang bansa at binabalak din daw nito na gumawa ng bagong polisiya patungkol sa kalakalan ng dalawang bansa.

Layunin umano ng American president na panagutin ang China sa nararanasang coronavirus outbreak na naging dahilan para mapilitang magsara ang ekonomiya ng Amerika.