Ipinagmalaki ngayon ng Estados Unidos ang katatapos lamang na training na ibinigay nila sa mga otoridad sa Pilipinas upang mapalakas pa ang border security.
Ayon sa US Embassy sa Pilipinas, inabot din sa isang linggo ang training na pinangunahan ng US Export Control and Border Security (EXBS) Program at ng US Customs Border Protection (CBP) kasama ang mga counterpart nila sa Pilipinas.
Ginanap ito sa clark pampanga kung saan nasa mahigit 20 mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration na naka-assign sa Clark, Manila, Cebu, at Davao ports of entry ang binigyan ng dagdag pang kaalaman sa pamamagitan ng passenger interdiction training.
Sa naturang pagsasanay ipinakita ng mga US trainers ang mga latest security features ng mga passports at kung paano made-detect ang mga peke o impostor na nagtatangkang pumasok sa bansa.
Liban sa naturang mga hakbang, pinag-iibayo rin sa mga bantay sa mga pantalan ng Pilipinas kung papaano mapipigilan ang transport ng mga weapons of mass destructions.