-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Amerika ang mahigit $20 billion na panibagong weapon package para sa Israel.
Ayon sa US State Department, inaprubahan nito ang pagbebenta ng 50 F-15 fighter jets pra sa Israel sa halagang $18.82 billion.
Sisimulan itong ipadala sa 2029 na maga-upgrade sa kasalukuyang fleet ng Israel kabilang ang radar at secure communications equipment.
Ayon sa State Department mahalaga ito sa national interest ng US para tulungan ang Israel upang mapanatiling matatag at may kapasidad na depensahan ang sarili nito.
Liban dito, bibili din ang Israel sa US ng halos 33,000 tank cartridges, 50,000 explosive mortar cartridges at bagong military cargo vehicles.