-- Advertisements --

Nagpahayag nang pagkabahala ang Amerika kasunod nang pagdedeklara ng bagong gobyerno ng Taliban militants.

Ayon sa inilabas na statement ng US State Department, na nababahala sila sa affiliation at track records ng ilang indibidwal na itinalaga sa bagong gobyerno ng Afghanistan na itinatag ng Taliban.

Ang itinalaga bilang pinuno ng interim cabinet na si Mullah Mohammad Hassan Akhund ay kabilang sa blacklist ng United Nation at ang acting interior minister na si Sirajuddin Haqqani naman ay nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Sa kabila nito, patuloy na panghahawakan ng Amerika ang commitment ng Taliban na papayagan ang safe passage ng mga foreign nationals at Afghans kabilang na ang mga repatriation flights palabas ng Afghanistan.

Nangako naman ang Taliban Supreme Leader Mawlawi Hibatullah Akhundzada na nais nitong magkaroon ng matatag at maayos na relasyon sa ibang bansa.

Gayundin ay rerespetuhin ng Taliban government ang international law at mga kasunduan hangga’t hindi ito nakakasira sa Islamic law at national values ng bansa.