Layon din ng Amerika na makipagsosyo sa Philippine telecommunication operator na Now Telecom para sa deployment ng 5G technologies sa Pilipinas.
Ayon sa US embassy, ang partnership ay magbibigay ng “mas mabilis at mas maaasahang digital services at mas mataas na broadband internet access” para sa mga Filipino sa buong bansa.
Samantala, ang United States Agency for International Development (USAID), sa pakikipagtulungan sa SpaceX Starlink sa bansa, ay susuportahan ang paglulunsad ng unang Low Earth Orbit Satellite Broadband Service sa Southeast Asia.
Ang satellite broadband service ay magbibigay ng maaasahan at abot-kayang internet access sa mga marginalized na populasyon sa buong Pilipinas, sa gayo’y pagpapabuti ng access sa edukasyon, at propesyonal na pagsasana.
Bukod dito, maglulunsad din ang United States Agency for International Development (USAID) ng bagong limang taong proyekto na tinatawag na “Strengthening Private Enterprises for the Digital Economy (SPEED) award.”
Ang “Strengthening Private Enterprises for the Digital Economy (SPEED) ay naglalayong palawakin ang partisipasyon ng mga maliliit at katamtamang negosyo ng Pilipinas sa umuusbong na e-commerce ecosystem ng bansa.
Ang Philippine e-Commerce Alliance ay ipakikilala din bilang bahagi ng “Strengthening Private Enterprises for the Digital Economy (SPEED) launch, na hudyat ng pangako sa buong industriya na pabilisin ang pagtaas ng digital economy ng Pilipinas.