Inaasahan ang lalo pang paglakas ng Northeast Monsoon o hanging Amihan sa mga susunod na araw.
Ang naturang weather system ang labis na nakaka-apekto sa malaking bahagi ng Northern Luzon at nagdadala ng mga pag-ulan sa maraming lugar.
Dahil dito, asahan pa rin ang maulap na kalangitan at mga pag-ulan mula ngayong araw hanggang sa mga susunod na araw sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR), kasama ang ilang bahagi ng Ilocos Region at Central Luzon.
Sa CAR at Cagayan Valley, maaaring makaranas ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa dala ng katamtaman hanggang mabibigat na pag-ulan.
Maliban sa mga ulan, posibleng lalo pang titindi ang malamig na temperatura sa Northern Luzon dahil pa rin sa naturang weather system.
Pangunahing naaapektuhan ng malamig na temperatura ang mga probinsya sa CAR at Cagayan Valley, at ilang bahagi ng Ilocos Region.