-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Marso 18, na patuloy na makakaapekto sa bansa ang northeast monsoon o “amihan” at easterlies ito’y kahit pa na patuloy ang nararansang mainit na panahon.

Paliwanag ng state weather bureau, ang amihan ay magdudulot parin ng maulap na papawirin, kalat-kalat na mga pag-ulan, at thunderstorms sa mga lugar ng Cagayan Valley, Aurora, at Quezon. Ang iba pang bahagi ng Luzon kung saan makakaranas ang mga ito ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at katamtamang mga pag-ulan.

Samantala, ang easterlies, o mga mainit na hangin mula sa karagatang pasipiko, ay magdudulot din ng maulap na kalangitan, mga kalat-kalat na pag-ulan, at thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Para naman sa nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga hiwalay na pag-ulan o thunderstorms sa buong araw.

Nagbigay din ng babala ang weather bureau sa publiko na maging alerto dahil ang malalakas na thunderstorms ay maaaring magdulot ng flash floods o landslides, lalo na sa mga lugar na madaling maapektohan ng pag-ulan.