Asahan pa rin ang katamtamang sama ng panahon ngayong araw sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Northeast Monsoon o Amihan at easterlies .
Magdadala ito ng maulap na papawirin hanggang sa may mga pag-ulan sa ilang lugar sa bansa.
Ayon sa state weather bureau , makakaranas ng maulap at mahinang pag-ulan ang bahagi ng Batanes epekto ng Amihan.
Maulap rin na papawirin hanggang sa mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang iiral ngayong araw sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa easterlies.
Posible ang moderate hanggang sa heavy rains sa nabanggit na lugar na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Parehong lagay rin ng panahon ang mararanasan sa Eastern Visayas dahil sa umiiral na shear line habang pinag-iingat ang lahat sa posibleng flash floods o landslides.
Sa nalalabing bahagi ng bansa ay asahan naman ang bahagyang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies.