-- Advertisements --

Patuloy na makakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong araw.

Batay sa datos ng state weather bureau, posible ang maulap na papawirin hanggang sa pagkakaroon ng mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon epekto ng umiiral na Amihan.

Dahil ito , pinag-iingat ng ahensya ang publiko dahil sa posibleng pagkakaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Halos parehong lagay rin ng panahon ang mararanasan ngayong araw partikular ng pagkakaroon ng isolated light rains dulot din ng Amihan.

Magiging maulap rin sa nalalabing lugar sa bansa hanggang sa pagkakaroon ng isolated rain showers o thunderstorms sanhi ng umiiral na easterlies.

Possible rin ang pagbaha at landslides sa mga bulnerableng lugar.