Bahagyang humina at inaasahang makakaapekto na lamang sa hilagang bahagi ng Luzon ang Northeast monsoon o Hanging Amihan ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, malaking bahagi ng bansa ngayon ang makakaranas ng magandang panahon ngunit maaaring makaranas pa rin ng isolated rain showers at thunderstorms.
Sa sususnod na 24 oras naman ay inaasahan na magdadala ang amihan ng mga mahihinang pagulan sa bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at maging sa Cagayan valley.
Samantala ang easterlies naman na hanging mula sa Pasipiko ay magdadala ng kalat-kalat na pagulan at thuderstorms sa mga bahagi ng Eastern Visayas, Rehiyon ng Caraga, at maski sa Davao region.
Inaasahan din na malimit na makakaranas ng mga bagyo ang Pilipinas ngayong buwan ng Marso.