-- Advertisements --

Inaasahan na magdudulot ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan ang Northeast Monsoon o Amihan sa hilaga at gitnang Luzon sa loob ng susunod na 24 oras.

Ang mga naturang lugar naman sa rehiyon ng Cagayan Valley, Aurora, at Quezon ay makakaranas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan, na maaaring magdulot ng mga flash floods at landslides.

Gayundin, magdudulot ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan na may kasamang thunderstorms bunsod ng easterlies sa may Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands, na may panganib ng flash floods at landslides.

Habang sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon, mananatiling maulap ang kalangitan na may mga magagaan na mga pag-ulan, ngunit walang inaasahang malalaking epekto sa panahon. Ang ibang bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin, na may mga isolated na pag-ulan o thunderstorms dulot ng easterlies.

Samantala ang hilagang Luzon ay makakaranas naman ng katamtaman hanggang malalakas na hangin at magaspang na kondisyon ng dagat, habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas naman ng magaan hanggang katamtamang hangin at kalmado hanggang katamtamang kondisyon ng dagat.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng flash floods o landslides, lalo na sa panahon ng malalakas na pag-ulan o thunderstorms.