-- Advertisements --

Magdadala ang Northeast Monsoon (Amihan) ng maulap na kalangitan sa buong Luzon.

Ayon sa state weather bureau, magdadala ang amihan ng maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at Camarines Norte.

Maulap at isolated light rains naman sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon. 

Asahan naman daw ang bahagyang maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies.

Samantala, makararanas naman nang katamtaman hanggang malakas na hangin ang Northern Luzon at silangang bahagi ng Central at Southern Luzon.