-- Advertisements --
Inanunsyo ng Pagasa na nasa transition period na ang panahon mula sa habagat, patungo sa hanging amihan.
Ayon kay Pagasa weather forecaster Anna Clauren, mag-uumpisa nang magkaroon ng malamig na hangin sa mga darating na araw.
Kasabay nito, madalang na rin ang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa, kumpara noong mga nakaraang buwan.
Gayunman, kaakibat ng pagsisimula ng amihan ang mas malaking tyansa ng pag-landfall ng mga dumarating na sama ng panahon.
Kaya naman, inaalerto ng Pagasa ang mga residente ng eastern section ng bansa o ang mga lugar na nakaharap sa Pacific Ocean, para paghandaan ang mga bagyong maaaring pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Magtatagal ang amihan hanggang sa pagpasok ng taong 2020.