-- Advertisements --
Posibleng pumasok ang hanging Amihan sa 2nd half ng Oktobre 2024.
Batay sa pagtaya ng weather agency ng Department of Science and Technology, maaaring magsimula ang transisyon sa pagitan ng Amihan at Habagat sa kalagitnaan ng Oktubre hanggang sa unang lingo ng Nobiyembre.
Sa kasalukuyan ay naoobserbahan na ang mas malalakas na paghangin sa northern Philippines dala ng papasok na Amihan.
Ayon sa ahensiya, pagpasok ng Hanging Amihan ay mararamdaman na ang mas malamig na temperatura sa malaking bahagi ng bansa.
Samantala, inaasahang mabubuo na rin ang La Niña sa susunod na buwan hanggang Disyembre.
Maaaring magpatuloy ito hanggang sa unang quarter ng 2025.