-- Advertisements --

Ikinokonsidera na ni British boxer Amir Khan ang pagreretiro sa boxing matapos na patumbahin siya sa ika-anim na round ni Kell Brooks.

Mula kasi sa simula ay hindi na nakaporma pa ang 35-anyos na si Khan.

Si Khan na nagwagi ng silver medals bilang lightweight boxer sa Athens Olympics noong 2004 na nais na lamang niyang maglaan ng mas mahabang oras sa kaniyang pamilya.

Paliwanag nito na marami na ito ng napatunayan gaya sa Olympics na nakakuha ng silver medal sa edad na 17 at nagwagi ng world title noong edad 22.