-- Advertisements --
Amir Khan boxing
Amir Khan/ IG post

Handang magretiro na sa boxing si British boxer Amir Khan kapag hindi na natuloy ang paghaharap nila ni Filipino boxer Manny Pacquiao.

Sinabi ng 32-anyos na boksingero, na matagal na niyang nais na makaharap ang fighting senator.

Isa kasi si Pacquiao ang tinatarget ni Khan na makalaban matapos na hindi siya pinatulan ni US boxing champion Floyd Mayweather.

Pinuna din ni Khan si Pacquiao kung bakit pinatulan si Keith Thurman dahil mayroon itong mabagal na paa at kamay.

Magugunitang naging sparring partner ng ilang taon ni Pacquiao si Khan hanggang ito ay umalis sa training camp ng Filipino boxing champion.