-- Advertisements --
Muli na namang binuhay ni British boxer Amir Khan ang paghamon nito kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Kahit na nagpapatupad ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Khan na makaharap sa boxing ang fighting senator.
Sinabi nito na matagal na niyang gustong makaharap ang fighting senator subalit hindi naman nito tinatanggap ang hamon.
Magugunitang ilan sa mga boksingero na kinokonsidera ni Pacquiao na makaharap ay sina Floyd Mayweather, Errol Spence, Terrence Crawford at Mikey Garcia.