-- Advertisements --
Sa muling pagbabalik ni Singaporean martial artist Amir Khan sa ibabaw ng ring, nais umano niyang magpakita ng ‘performance of a lifetime’.
Bukas ay nakatakdang harapin ni Khan ang batikang Pinoy Martial Artist at dating ONE lightweight champion Eduard Folayang.
Ayon kay Khan, nakahanda na siya sa magiging laban kay Folayang, makaraan ang mahaba-habang ensayo na pinagdaanan.
Unang nagharap ang dalawa noong 2018 ngunit natalo si Khan kay Folayang.
Ang magiging laban ng dalawa ang magsisilbing unang rematch, limang taon mula nang sila ay nagharap.
Si Khan ay kagagaling lamang sa isang taon na hindi pagpapakita sa ibabaw ng ring, habang si Folayang ay ay bumabangon din sa sunod-sunod niyang pagkatalo sa mga nakalipas na laban.