-- Advertisements --

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang ituring krimen ang cash smuggling sa bansa.

Ito ay kasunod na rin nang pagkakatuklas sa pagpasok ng ilang bilyong cold cash sa Pilipinas, na ayon sa mga otoridad ay maaring nagagamit sa mga iligal na gawain.

Sa ilalim ng House Bill No. 6516 na inihain nina Ways and Means Committee chairman Rep. Joey Salceda, vice chairperson Rep. Estrelita Suansing at Rep. Sharon Garin at sina Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon at Marikina Rep. Stella Quimbo, tinitiyak na hindi kukunsintihin ang cash transfer na walang paper trail.

Ituturing na ring krimen at kasabwat ang mga nasasangkot sa pag-e-escort sa mga cash smugglers sa bansa.

Samantala, ang Anti-Money Laundering Act of 2001 ay palalawakin din para higpitan ang pagpasok ng mga one-time cash transports na higit P500,000.

Habang ang reporting mechanism naman ng AMLC sa pagitan ng mga otoridad gayundin ang pagpapalawig sa kanilang surveillance power sa mga main entry points sa bansa.