-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umaasa ang isang dating lider ng Senado na tututukan ng mga bagong pinuno ng Kongreso ang pagpapatibay sa Local Government Code.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni dating Senate Pres. Aquilino “Nene” Pimentel na malaki ang magiging papel ng amiyendang magbibigay ng kapangyarihan sa local government units na maging independent mula sa pambansang pamahalaan.

Aminado ang dating senador na hamon ang pagpasa sa panukalang Charter Change (Cha-Cha) lalo na’t pederalismong pamamahala ang nais ng pangulo.

Si Pimentel ang itinuturing na ama ng local government sa Pilipinas.

Isa rin ito sa mga sumusuporta sa panukalang pagpapalit ng Saligang Batas patungong pederelismong pamahalaan.