-- Advertisements --

Nakatakdang magsampa ng reklamo ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban kay dismissed Mayor Alice Guo at ilang mga personalidad na sangkot sa niraid na POGO sa Bamban,Tarlac.

Sinabi n AMLC Investigating and Enforcement Department Deputy Director Adrian Arpon na kanilang naisampa na ang civil forfeiture.

Para naman sa criminal case na money laundering ay nakikipag-ugnayan pa sila sa mga iba’t-ibang ahensiya at inaasahan sa mga susunod na araw ay maisasampa na ang kaso.

Noong nakaraang buwan ay ipinag-utos ng Court of Appeals ng pag-freeze sa mga bank accounts at personal assetes ni Guo at dalawang iba pa dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa operasyon ng iligal POGO.