-- Advertisements --
Nanawagan ang Amnesty International ng agarang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas para tuluyang matigil ang paghihirap at mabawasan na ang nasasawi.
Ayon sa grupo na mahalaga na tiyakin ng magkabilang panig na ligtas ang lahat ng mga sibilyan.
Hinikayat din ng grupo ang Hamas at ilang armed groups na agad na pakawalan ang mga bihag nilang sibilya mula sa Gaza dahil ang mga kaanak nila ay nagsasagawa na ng kilos protesta sa Israel.
Giit ni Erika Guevara-Rosas, Amnesty International’s senior director for research, advocacy, policy and campaigns. na ang hostage-taking ay isang uri ng war crime kung saan ang mga nabubuhay pa na bihag ay umabot na sa siyam na buwan ng naghihirap.