-- Advertisements --

Hindi na inaasahan na lalala pa ang ammonia leak sa Magsimpan Ice Plant.

Ayon sa pinuno ng Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na si Vonne Villanueva, under control na ang nangyaring ammonia leak sa ice plant.

Nabatid mula kay Villanueva na ito na ang ikatlong pagkakataon sa nakalipas na dalawang taon na nagkaroon ng ammonia leak sa Magsimpan Ice Plant.

Sa ngayon ay ipinatigil muna nila ang operasyon ng planta at titiyakin na ligtas na ang lahat bago pa man sila payagang makabalik.

Una nang napaulat na umabot sa 15 katao ang isinugod sa ospital.

Nabatid kay Villanueva na nasa 10 taon na ring operational ang Magsimpan Ice Plant.