-- Advertisements --

Pinatawan ng PBA ng isang conference na suspensiyon si NorthPort player John Amores dahil sa pagkakasangkot nito sa barilan sa Laguna.

Sinab ni Atty. Ogie Narvasa, na nagpasya ang Commissioner na suspendihin sa lahat ng mga laro sa susunod na conference si Amores.

Walang anumang matatanggap na bayad o sahod sa Amores habang ito ay suspendido.

Pinayuhan din nila si Amores na dapat bigyan pansin niya ang kaniyang pagiging magalitin na nagreresulta sa pagsasagwa niya ng krimen.

Bago aniya na makabalik sa paglalaro sa liga ay dapat magpakita ito ng clearance at programa na aaprubahan nila.

Ipinaalam na rin ng liga kay Amores ang nasabing desisyon na ito ng liga.

Magugunitang sumuko si Amores at ang kapatid nito matapos na masangkot sa kaguluhan na nagresulta sa pamamaril nito sa nakaalitan sa basketball sa Lumban, Laguna.