-- Advertisements --

Plano ngayon na iapela ni John Amores ang ginawang pagtanggal ng Games and Amusement Board (GAB) ng kaniyang lisenya.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na kaniyang naiparating ang desisyon ng GAB sa 25-anyos na si Amores.

Sinabi nito na plano nilang iapela ang nasabing desisyon dahil sa interesado pa rin itong maglaro sa mga professional basketball.

Magugunitang pinatawan na rin ng one-conference ban si Amores without pay dahil sa insidente.

Noong tatlong buwan na ang nakakaraan ng nasangkot ang basketbolista sa pamamaril sa Lumban, Laguna.

Naaresto ito kasama ang kaniyang kapatid at di nagtagal ay pansamantala itong nakalaya.

Taong 2022 ng masangkot na rin si Amores sa gulo noong ito ay varsity player ng Jose Rizal University at sinuntok ang manlalaro ng College of St. Benilde kaya ito ay na-banned sa NCAA.