CENTRAL MINDANAO – Lumobo ng todo ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa kalat-kalat na sagupaan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Unang isinailalim sa State of man made calamity ang bayan ng Ampatuan Maguindanao.
Dulot ito nang patuloy na pagtugis ng Joint Task Force Central sa grupo nina Kumander Salahudin Hassan at Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng BIFF-ISIS Inspired Group.
Patuloy na naglunsad ng air to ground assault ang militar sa kuta ng mga terorista sa hangganan ng Datu Hoffer at Ampatuan Maguindanao.
Ang pagdeklara ng State of Man Made Calamity sa bayan ng Ampatuan ay makakatulong para magamit ang calamity fund para sa dagdag na tulong sa mga bakwit.
Nagsisikap rin ang BARMM Govnt,6th ID,Maguindanao Provincial Govnt at ilang ahensya ng gobyerno sa pagtulong sa mga bakwit.
Sa ngayon ay umakyat na sa 20 ang nasawi sa BIFF at apat sa militar sa nagpapatuloy na focus military operation ng Joint Task Force Central sa Maguindanao.