-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nakatakdang sampahan ng kasong double murder ng mga otoridad laban sa mga suspek na pumatay sa magkapatid sa probinsya ng Cotabato.
Umamin na umano si alyas Christine ampon ng pamilya Maguad na utak ito sa nina Gwynn at Crisville kanilang tahanan sa Purok San Isidro Barangay Bagontapay M’lang Cotabato.
Tumanggi rin ang Special Investigation Task Group Maguad na ilabas sa publiko ang pagkakilanlan ng mga suspek dahil patuloy pa nilang tinutugis ang kasama ni alyas Christine.
Galit,inggit at selos umano ang nagtulak sa mga suspek na patayin ang magkapatid.
Sa ngayon ay for filing at for review na ang kaso na isasampa laban sa mga suspek.