Mismong si Ana Jalandoni ang nagsapubliko sa larawan ng bouquet of flowers na mula umano sa kampo ng aktor at kanyang boyfriend na si Kit Thompson.
Ito’y ilang araw matapos ang March 18 incident kung saan na-rescue ng mga otoridad ang sexy actress sa isang hotel room sa Tagaytay matapos makahingi ng saklolo dahil mapapatay umano siya ni Kit sa bugbog.
Kalakip ng bulaklak ang mensahe ng simpatiya para sa sexy actress mula kay Erickson Raymundo, na manager ng 25-year-old actor.
Nakasaad sa card ng bouquet ang hangarin at panalangin sa mabilis na pagrekober ni Jalandoni.
Huwag din daw mahihiya ang aktres na magsabi kung sakaling may kailangan ito at nawa’y magkita sila kapag mabuti na ang pakiramdam nito.
Sa ngayon, usap-usapan ng mga netizen na burado na ng dalawa ang kani-kanilang larawan sa Instagram at naka-unfollow na rin daw sa isa’t isa.
Ngayong araw naman inaasahang makakapagpiyansa si Thompson sa tulong ng Cornerstone Management para makalabas na ito sa Tagaytay Police Headquarters.
Nataong Biyernes ng hapon kasi ay na-inquest si Kit pero hindi na mai-report sa korte ang kanyang kaso kaya naka-detain siya nitong nagdaang weekends.