-- Advertisements --

Ginawaran Unites States Embassy sa Manila ng Ambassador’s Woman of Courage Award ang maginhawa Community Pantry organizer na si Ana Patricia Non.

Iginawad ni Chargé d’Affaires Heather Variava ang naturang award na kumikilala kay Non sa kaniyang inisyatibo na nakapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino na magtulungan sa kasagsagan ng lockdown dahil sa COVID19 pandemic sa Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Non sa US embassy sa natanggap na pagkilala sa inorganisa nitong Community Pantry sa pamamgitan ng isang social media post.

Maaalala na si Patricia Non ay isang Up alumna na unang nakilala sa paglatag ng isang bamboo cart na naglalaman ng mga samu’t saring food items gaya ng gulay, canned goods at iba pa sa may Maginhawa Street sa Quezon City noong Abril 2021 na ipinamimigay ng libre sa sinuman na nangangailangan para matugunan ang kagutuman sa kaniyang komunidad.

Agad naman na naging viral ito ang Maginhawa Community Pantry ni Non hanggang sa lumawak pa ito at nagkaroon ng mas marami pang community pantries sa iba’t ibang lugar sa bansa.