-- Advertisements --

“Hindi ko na babanggitin ang inggetera, mamatay ka sa inggit dahil alam ng tao kung anu ang totoo, matatalino sila,” ito ang pasaring ni Anabelle Rama sa bago niyang online post.

Walang pangalang nabanggit si Anabelle pero maraming netizen ang nagbigay ng espekulasyon na patama ito para sa ama ni Sarah Lahbati, ang asawa ng anak niyang si Richard Gutierrez, matapos itong mag-post online na hindi raw nila pinapansin ang tinawag niyang “barking dogs.”

“Huwag ko na raw pansinin ang mga fake news dahil hindi sila naniniwala especially sa idol nilang si Richard, alam n’yo na kung saan galing ang mga fake news,” dagdag pa ni Anabelle.

Pumutok ang hiwalayang Richard-Sarah matapos banggitin ni Anabelle sa isang interbyu na nasa poder niya ngayon ang anak na si Richard kasama ang mga bata. Nag-viral din ang hirit niyang “si Richard trabaho nang trabaho, ‘yong isa nagwawaldas ng pera.”

Sa post ng ama ni Sarah Lahbati, pinasaringan niya ang isang babae na hindi raw tumitigil sa pagsasalita at nagbabayad pa umano ng pera para magpakalat ng fake news. 

“Someone doesn’t want to stop talking about this issue, she’s even spending money to spread fake news, we choose to spend money to enjoy our life.” 

Nagpasalamat din siya sa mga sumusuporta sa kanyang anak. “Thanks to everyone for your love and support for Sarah. Wishing you and your family peace, health, happiness and prosperity in the coming year, Mery [sic] Christmas.”

Tikom pa ang bibig ng mag-asawang Richard at Sarah tungkol sa isyung hiwalayan. 

(Photo courtesy of Pep; Sarah Lahbati IG)