-- Advertisements --

Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong cyber libel ang talent manager na si Anabelle Rama.

Nagbunsod ang kaso dahil sa reklamo ng dating film producer na si Jayke Joson.

Isinampa ni Joson na dating aide ni Senator Manny Pacquiao ang nasabing kaso noong nakaraang Okutbre 2021 sa Las Pinas City Prosecutor’s Office.

Inakusahan kasi ni Rama si Joson na nagnakaw ng P140 milyon mula sa Pinoy boxing champion.

Nagkontra demanda rin si Rama kay Joson ng cyber libel matapos tawagin siyang swindler.