CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 kasama ang kanilang provincial teams at Macabalan Police Station 5 ang umano’y anak-lalaki ng tinagurian ng ‘drug queen of the south’ ng Mindanao na si Lovey Impal alyas Marimar sa inilunsad na buy-bust operation sa Barangay Puntod,Cagayan de Oro City.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA 10 regional director Atty. Benjamin Gaspi nabawi mula sa suspek na si Aljunnaid Adam Impal ang 100 gramo ng suspected shabu na mayroong estimated street value na P680,000 at ibang mga ebedensiya na magamit pagsampa ng kaso sa korte.
Sinabi ni Gaspi na maliban sa 22 anyos na si Impal na nagmula sa bayan ng Maguing,Lanao del Sur ay naaresto rin nila ang kasama nito na si Raymond Olano na mismong residente sa lugar na pinagdarausan ng operasyon.
Dagdag nito na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang arestadong mga personalidad.
Magugunitang si alyas Marimar ay dati nang nahuli ng PDEA 10 bahay nito sa Cagayan de Oro subalit dahil sa teknalikad ng kaso ay nabasura at tuluyang napalaya noong nakaraang mga taon.