-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang 27-anyos na lalaki matapos sinaksak ng sariling ama sa Barangay Lanot, Alimodian, Iloilo.

Ang biktima ay si Archie Caguilla habang ang suspek naman ay si Nestor Camitan, 55.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Master Sergeant Michael Alingala, imbestigador ng Alimodian Municipal Police Station, sinabi nito na lasing ang suspek nang umuwi sa kanilang bahay.

Kinumpronta umano nito ang kanyang anak dahil hindi ito tumutulong sa gawaing bahay.

Ayon kay Alingala, sinuntok pa ng ama ang kanyang anak hanggang sa nagpambuno pa ang dalawa at nasaksak ng ama ang anak gamit ang kitchen knife.

Tumakas pa ang suspek ngunit sumuko rin kalaunan at sinabing self-defense lang ang kanyang ginawa.

Desidido naman ang ina ng biktima na maghain ng kaso laban sa kanyang asawa.