-- Advertisements --

Roxas City – Sugatan ang 41-anyos na PWD na lalaki matapos na tinaga diumano ng kanyang sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Baranagay Linampongan, Pontevedra Capiz.

Kinilala ang biktima na si Joseph Decena ng naturang lugar.

Batay sa inisyal nga imbestigasyon ni Police Corporal John Altamia, imbestigador ng Pontevedra Municipal Police Station na habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang bigla na lamang dumating na lasing ang suspek na si Elmer Decena, 61-anyos.

Sinasabi na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-ama kung kaya’t ay bigla na lamang ng itak ang suspek at pinagtataga ang ulo ng kanyang sariling anak.

Mabilis naman na dinala sa Bailan District Hospital ang biktima.

Samantala agad naman na naaresto ng mga pulis ang suspek at ngayon nakakulong na sa Pontevedra Municipal Police Station.