-- Advertisements --
ROXAS CITY – Pinagsisihan ngayon ng isang anak ang pagsaksak-patay sa sariling ama at pagkasugat ng nakababatang kapatid.
Namatay habang ginagamot sa ospital ang ama na si Ruben Sibog 53-anyos at sugatan ang kapatid na si Jorie Sibog 24-anyos ng Barangay Bitoon Ilawod, Cuartero, Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Police Major Christian Mahometano, hepe ng Cuartero PNP, sinabi nito na lasing ang suspek ng maungkat ang matagal na alitan ng magkapatid.
Nasa kainitan ng pagtatalo ang dalawa ng biglang sinaksak ito ng suspek gamit ang kutsilyo.
Umawat naman ang kanilang ama ngunit sa kasamaang palad, ay nasaksak ito sa dibdib.
Samantala humingi naman ng patawad ang suspek sa ina sa kasalanang kanyang ginawa sa pagpatay sa ama.