DAVAO CITY – Kinokonsidera ngayon ng kapulisan ang posibilidad na may kaugnayan sa investment scam ang pagpatay sa isang anak ng agent ng PLC investment scheme kagabi sa loob ng kanilang bahay sa Purok Dahlia, Visayan Village, Tagum City.
Nakilala ang biktima na si Judylou Palas, residente sa nasabing lugar.
Ayon pa sa Tagum PNP, nasa bahay ng kanyang tiyahin ang biktima kasama ang kanyang mga kapatid at pinsan.
Kakain na sana ang biktima ng may kumatok sa kanilang bahay.
Hindi umano nila ito binuksan dahilan na sinipa ito ng suspek at pinagbabarll ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.
Sugatan din umano ang kapatid nito na kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Agad naman na tumakas ang suspek matapos ang ginawang krimen.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.
Dumipensa naman ang kamag-anak ng biktima na inosente ito at hindi dapat idamay kung may kagulohan na nangyari sa investment scam.
Hustisya naman ang panawagan ng kanyang mga kaibigan sa sinapit ni Judylou na katatapos lamang sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.