-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang anak ng isang bise mayor ng Misamis Oriental.
Ang suspek na si Raya Ryl Macua na anak ni Laguindingan Vice Mayor Roy Macua ay nakasagasa-patay matapos makatulog habang nagmamaneho sa bahagi ng Barangay Luyongbonbon, bayan ng Opol.
Ayon kay Opol Police Station investigator P/MSgt. Raul Ruaya, dead on the spot ang biktima na si Cusain Bawlo habang sugatan naman ang isang Romeo Namocot.
Napag-alaman na patawid ang mga biktima sa national highway nang masagasaan ito ng suspek.