-- Advertisements --

Kabilang ang anak ng isang bumbero na natagpuan sa gumuhong 12-palapag na gusali sa Surfside, Florida.

Ang pitong-gulang na batang babae ay siyang pang-20 bangkay na nakita na na natabunan mahigit isang linggo ng mangyari ang pagguho ng gusali.

Siya rin ang pangatlong bangkay ng bata na nailabas sa mula sa gumuhong gusali.

Unang mga nakuha ang bangkay ng 4-anyos na si Lucia Guara at kapatid nitong 10-anyos na si Emma habang ang pinakahuli na anak ng bumbero ay hindi na pinangalanan.

Minamadali nila ang nasabing paghuhukay para hindi na sila maabutan ng bagyong Elsa na tatama sa Florida kung saan may lakas ito na 120 kilometers per hour.